Loading...

Aiza 'Ice' Seguerra Gusto Nang Magkaanak At Magkaroon Ng Katawang Lalake

Loading...

Maalala natin na si Jake Zyrus ay nauna nang magkaroon ng katawan na panlalaki, ngayon naman ay nais na ni Aiza (Ice) Suguerra na tuluyan na rin magkaroong katawang panlalaki.

Ayon sa mga ulat hindi na raw masaya ang singer sa kanyang katawang pambabae kaya naman sinimulan na nito ang kanyang hormone replacement therapy.

Sinabi ng singer sa 'Tonight with Boy Abunda' na mahirap gumising at makita mong na nasa katawan ka na hindi naman dapat na iyon.

Dagdag pa ng singer nag-aalala siya sa kanyang boses dahil malaki ang tsansa na magbabago ang kanyang boses ngunit naniniwala rin ang singer na ito ay maganda pa rin.



Nasabi din ni Aiza (Ice) na plano na nilang mag-asawa na magkaroon ng anak sa pamamagitan ng IVF (In-Vitro Fertilization).

Nitong Disyembre sinumulan nang gamitin ng singer ang pangalang 'Ice'.

Cariza 'Aiza' Yamson Diño Seguerra ay isang aktor, singer-singwriter at isang guitarista. Naging child star siya sa iba't-ibang movies at TV shows.

[source]
Loading...