Loading...
Think of a pimples as a little sack that holds oil, debris, and acne bacteria, says dermatologist Zakiya Rice, MD, an assistant professor at Emory University School of Medicine in Atlanta.
Poke, pick, prick, and prod a pimple, and you can force the debris and bacteria even deeper into your skin. You may also introduce new kinds of bacteria from your finger into the zit. That can cause a pimple to become more red, inflamed, swollen and infected, and may even lead to permanent scarring.
Ever heard of "danger triangle"?
There’s a part of your face called the “danger triangle” and popping acne within it is really dangerous. The triangle is the area between the corners of your mouth and the bridge of your nose — this is the area that has your sinuses behind it. It also contains nerves and blood vessels that transport blood to the brain.
If you pop a pimple within the danger triangle, the skin can become infected and this infection can permeate these blood vessels. If that happens, the veins that run behind your eye sockets may form a clot to contain the infection. That clot puts pressure on the brain and can lead to paralysis or even death.
This condition is called Cavernous Sinus Thrombosis. It kills 30% of people who get it.
"NAGSIMULA SA ISANG TAGYAWAT, LUMALA HANGANG SA MUNTIK KO NA IKAMATAY"
Yes tama kayo ng basa, sa isang simpleng tagyawat lang talaga nagsimula ang lahat.
Hindi ko pinopost to para magpasikat or kung ano paman, pinopost ko to para maging
aware ang iba at iwasan na ang pag puputok ng tagyawat lalo na sa ilong dahil lubhang delikado talaga.
Marami satin yung tao na iritang irita pag may tagyawat actually din lang ata marami halos lahat ata, sino ba naman ang matutuwa pag meron kang butlig na namamaga at may nana, kadiri diba?
Pero eto na nga, nag simula lang sya ng simpleng tagyawat as in mga bes maliit lang at hindi kalakihan. So ako naman di ko pinansin kase ako yung tao na minsan lang talaga kung magka tagyawat mga once lang sa dalawang buwan o kung minsan nga wala pa.
So ayun nga hindi ko sya pinansin hiyaan ko lang kase di naman ako yung tao na pag may tagyawat eh pinapakialaman at nagpuputok ng tagyawat. Pumasok ako sa work, isang pangkaraniwang araw lang gigising, kakain, maliligo, magbibihis at papasok, hindi ko alam na dun na pala mag sisimula ang kalbaryo ko at muntik ng tumapos sa buhay ko.
Sa work pagkatapos ng isang long call ko sa super irate na customer, napansin ng ka work ko na may tagyawat ako sa may bandang ilong, biniro nya ko kinurot ang ilong ko, and sad to say aksidenteng naputok nya yung tagyawat ko. So ako naman di ko masyadong pinansin kahit na sa isip ko "Sh*t and sakit" hindi kase talaga ko sanay na napipisa yung tagyawat kaya masakit talaga, pero tuloy padin sa trabaho calls lang ng calls hangang sa mag uwian.
Habang nasa byahe palang ako ramdam ko na lalong kumikirot yung tagyawat na aksidenteng naputok, and guess what? Pag uwi ko sa bahay nakita ko na parang namaga yung tagyawat yung pag kirot nya parang umaabot nadin malapit sa nguso ko.
Kinabukasan pag gising ko naramdaman ko nalang na parang ang kapal kapal ng nguso ko at parang magkahalong pag kirot at pagka manhid ang nararamdaman ko. Pagtayo ko at pag harap ko sa salamin nagulat nalang ako ng nakita ko na namamaga na pati ang nguso ko.
Fast forward 2 days after simula nung mang yari yung aksidenteng pagkaka putok ng tagyawat ko pumapasok padin ako sa work. Pag pasok ko sa trabaho napansin din ng mga kawork ko at kahit ng mismong TL ko ang pamamaga ng nguso ko, sinabihan ako na mag punta muna ng clinic para magpa check up. Pag punta ko ng clinic at chineck ako ng company doctor sinabihan na agad ako na infected acne nga daw, binigyan nya ko ng antibiotic na iinumin ko for 5 days at sinabihan na din na kapag after 3 days at mas lalong namaga balik ako sa kanya at bibigyan nya ko ng referal para makapag pa check up ako sa ibang doktor. Nag email din sya sa tl ko na 3 days akong non-voice kase imomonitor padaw ako. So ayun pina uwi ako ng maaga para makapag pahinga at kinabukasan nalang pina pasok.
Kinabuksan yung nguso ko mas lalong namamaga sinasabihan nadin ako na mag under time nalang kaso masyadong gipit ang ate nyo pinilit ko tapusin ang duty ko nung araw na yung kase sayang eh sayang ang sasahurin ko, hindi ko alam na sa desisyon ko na wag mag undertime lalo ko lang papalalain ang kundisyon ko.
Kinabukasan pag gising ko wala na ko maramdaman sa buong muka ko kundi ang pagkirot hindi ko nadin maidilat yung kanang mata ko, na makikita naman sa pangalawa at pangatlong picture. Hindi nadin ako maka kilos at maka tayo dahil konting galaw ko lang feeling ko malalaglag ang buong muka ko alam nyo yung pakiramdam ng may beke? Ganon yung sakit pero 10x more at ang masaklap beke sa buong muka at hindi sa leeg. Nilalagnat nadin ako, pero ako gusto ko padin pilitin pumasok nag chat ako sa tl ko na baka ma late ako pero papasok ako. Pero si mama ayaw nako papasukin, and guess what? Tinawagan ng nanay ko ang tl ko sa messenger para sabihin na di ko na kaya tumayo at nilalagnat na ako. Sinabi daw ng tl ko na wag muna ko pumasok at mag pacheck up muna ko kase baka lalo padaw lumala.
Fast forwad. Nagpa check up ako at sa derma ang sabi sakin need ko agapan kase malala na nga daw, pinalitan nya din yung gamot na iniinom ko kase muka daw di na kaya ng antibiotic lang, binigyan nya ko ng 3 gamot isa na dun yung steroids dahil sa lala na ng kundisyon ko, natakot nadin ako sa sinabi nya na kapag di naagapan at umabot na sa utak yung nana maaari ko nadaw ikamatay nasa critical triangle daw kase ng muka ko naka pwesto yung tagyawat kung saan nan doon ang butas ng bungo natin at kung saan naka pwesto ang ilong natin. 7days ako hindi nakapasaok dahil lang sa isang simpleng tagyawat, 7 days na kalbaryo dahil lang sa isang simpleng pimple na nainfect lumala at muntik ko na ikamatay. 7days na hirap gumalaw, hindi maka kain dahil di ko maibuka ang bibig ko umaasa nalang ako sa sabaw sabaw para lang kahit papano mainitan ang sikmura ko.
Kaya masasabi ko lang sa mga mahilig mag putok ng pimple dyan, please lang mag ingat po kayo dahil hindi natin alam baka mangyari sa inyo ang nangyari sakin."